Home ENTERTAINMENT Joshua, walang kasamang kamag-anak sa condo; Ipe, inaabangan ang pagdalaw!

Joshua, walang kasamang kamag-anak sa condo; Ipe, inaabangan ang pagdalaw!

Manila, Philippines- Ang designer at closest friend ni Kris Aquino na si Michel Leyva ang sumundo kay Joshua mula sa arrival area ng NAIA.

Joshua flew in with his aunt Viel Aquino-Dee all the way from Los Angeles, California.

Galing si Viel mula sa kanyang pagdalaw kay Kris sa Orange County.

She stayed there for five days, at umuwi ngang kasama ang pamangkin leaving his brother Bimby behind.

Pero balitang sa halip na sa Tarlac dumiretso tulad ng nakagawian, sa isang undisclosed condo building namimirmihan si Joshua.

‘Yun nga lang, medyo nakakalungkot malamang not even a member of his immediate family ang kasama ni Joshua.

Balita kasing dalawang kasambahay at isang security personnel ang kasama ng panganay ni Kris.

In the absence of their closest kin, kids of Batangas Vice Governor Marc Leviste keep Joshua company.

Nakita ngang dumalaw si Ronin Leviste, isa sa mga anak ni Marc, with his girlfriend in tow.

Nahaluan tuloy ng intriga ang pagdalaw roon ng pulitiko ring anak ng nobyo ni Kris.

Hindi raw ba dapat, the first to look after Joshua’s welfare ay hindi ibang tao kundi ang mismong ama nitong si Phillip Salvador.

Nasa lineup kaya ng personal sked ni Ipe ang silipin man lang ang anak?

Marami tuloy ang nagsasabing all the more ay kailangang magpaka-visible si Phillip lalo’t balitang tatakbo raw siyang senador sa 2025 mid-term elections.

Matatandaang all-out support ang ibinigay noon ni Ipe sa senatorial bid ni Bong Go.

Kung matutuloy, hindi ‘yon ang unang pagkakataong sasabak sa pulitika ang dating aktibong action star.

Ipe was last seen on TV via GMA’s Black Rider in support of its main bida Ruru Madrid who he mentored in the network’s artista search many years ago. Ronnie Carrasco III

Previous articleP4B puslit na vape nasamsam ng BOC
Next articleDengue cases sa Pinas bumaba ng 11%