MANILA, Philippines – Umabot na sa 15 ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue sa Negros Occidental ngayong taon.
Iniulat ng Provincial Health Office nitong Biyernes, Oktubre 25, mayroong 5,108 kaso ng dengue sa probinsya mula Enero 1 hanggang Oktubre 19, 2024.
Ang bilang ay 3,837 kaso o 301.89% na mas mataas kumpara sa 1,271 kaso sa kaparehong panahon noong 2023.
May pinakamataas na kaso ng dengue pa rin ang Bago City sa 560, sinundan ng Hinoba-an sa 404 kaso, San Carlos – 394, Sagay City – 331, Talisay City – 323, Kabankalan City – 321, Cauayan – 289, Cadiz City – 279, Silay City – 276 at Sipalay City – 273.
Sa ulat, ang mga kaso ng dengue ay mula sa 11 hanggang 20 anyos na age group. RNT/JGC