Home NATIONWIDE Dengue sa E. Visayas bumulusok ng 45%

Dengue sa E. Visayas bumulusok ng 45%

202
0

MANILA, Philippines – Mas mababa ng 45 porsiyento kumpara noong nakaraang taon ang naitalang kaso ng dengue sa Eastern Visayas region.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula Enero hanggang ikalawang linggo ngayon taon ay nakapagtala ng 1,692 na kaso ng naturang sakit.

Ang kaso ng dengue ngayong taon ay mas mababa sa 3,064 na naitala sa kaparehong panahon noong 2022, sinabi ni DOH Eastern Visayas regional dengue program manager Leonidi Olobia.

Sa kabuuang kaso ngayong taon, 10 ang namatay at 1,567 ang naospital matapos nakaranas ng mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, rashes at pagdurugo.

Mahigit 70/ kaso ay sa Leyte province ayon sa DOH.

Ayon sa DOH, ang pagbaba ng bilang ng impeksyon ay resulta ng maagang fogging operations kung saan may mga agresibong search at destroy activities sa mga lugar na may cluster ng mga kaso.

Sinabi ni Olobia na ang naturang hakbangin ay nagpababa ng bilang ng mga kaso taliwas sa kalakaran na nakita noong Enero 2023 kung saan 210 na kaso ng dengue ang naitala o 19 porsiyentong mas mataas kaysa sa nakaraang taon.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na isakatuparan ang pag-iwas sa dengue sa pamamagitan ng “4S” strategy , lalo pa’t nagsimula na ang tag-ulan

Ang “4S” strategy ay ang ” search and destroy mosquito breeding places, seeking early consultation, self-protection methods, and support fogging/spraying only in hot spot areas”, kung saan naitala ang pagtaas ng mga kaso sa dalawang magkasunod ba linggo upang maiwasan ang outbreak .

Umapela rin ang DOH sa mga city at town mayors na regular na magsagawa ng cleanup campaigns na tutuon sa pagsira sa pinamumugaran ng mga lamok na may dalang dengue. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePaglubong ng MB Princess Aya pinaiimbestigahan sa Kamara
Next articleSapul ng COVID sa NCR bumababa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here