Home NATIONWIDE Paglubong ng MB Princess Aya pinaiimbestigahan sa Kamara

Paglubong ng MB Princess Aya pinaiimbestigahan sa Kamara

MANILA, Philippines – Hinimok ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang Kamara na magsagawa ng imbesigasyon sa paglubog ng MB Princess Aya sa Binangonan, Rizal, na ikinasawi ng 27 pasahero.

Ayon kay Castro hindi dapat palampasin na lang ang nangyaring insidente bagkus ay dapat alamin ang naging kapabayaan at panagutin ang nasa likod nito.

“We cannot allow such tragic incidents to go unnoticed. It is our duty as representatives of the people to ensure that justice is served and that measures are put in place to prevent similar accidents in the future,” pahayag ni Castro.

“We need to examine if proper safety measures were in place, if the vessel was seaworthy, and if the crew had the necessary training and qualifications. These are critical questions that must be answered,” dagdag pa ng lady solon.

Lumubog ang Princess Aya noong July 28 sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Egay.

Sinabi ni Castro na dapat magkaroon na ng pagrebisa sa maritime laws upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero. Gail Mendoza