MANILA, Philippines – Bumaba ang positivity rate ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR) sa 2.7 percent noong July 29, mas mababa sa 3.3 percent na iniulat isang linggo ang nakakaraan, sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David .
“Low positivity rates (were) measured in Bulacan (3.2 percent), Cavite, (3.8 percent from last week’s 17.6 percent), La Union, (3.2 percent), Pampanga (4.5 percent), Quezon (2.4 percent) and Rizal (2.1 percent),” saad sa kanyang Twitter.
Dagdag pa ni David, naobserbahan ang pagtaas sa Batangas,Isabela,Tarlac at Zambales.
Ang iba pang probinsya na bumaba ang positivity rate ay kabilang ang Bataan (mula 12.6 percent hanggang 7.8 percent), Benguet (mula 11.6 percent hanggang 6.2 percent), Cagayan (mula 12 percent hangang 8.3 percent), Camarines Sur (mula 19.4 percent hanggang 16.8 percent), La Union (mula 3.5 percent hanggang 3.2 percent), Laguna (mula 5.5 percent hanggng 5.2 percent), Oriental Mindoro (mula 10 percent hanggng 7.5 percent), Palawan (mula 8.4 percent hanggang 6.4 percent), Pampanga (mula 6 percent hanggang 4.5 percent), Pangasinan (mula 8.7 percent hanggang 6.2 percent), Quezon (mula 3.7 percent hanggang 2.4 percent), at Rizal (mula 5.2 percent hanggang 2.1 percent).
Noong Hulyo 30, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 167 na mga bagong kaso na nagdala sa kabuuang bilang sa 4,172,920 na may 4,427 aktibong kaso.
Nakapagtala naman ng 269 na bagong recoveries na tumaas ang kabuuang bilang sa 4,101,900.
Sampung bagong nasawi ang naiulat kaya tumaas ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Covid-19 sa 66,592. Jocelyn Tabangcura-Domenden