Home NATIONWIDE Motoristang sisilong sa footbridge titiketan na ngayong Agosto – MMDA

Motoristang sisilong sa footbridge titiketan na ngayong Agosto – MMDA

206
0

MANILA, Philippines – Titiketan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula ngayong Agosto ang mga rider na mahuhuling sumisilong sa mga footbridge at underpass tuwing umuulan.

Nasa P500 ang multa para sa mga mahuhuli, pero posibleng tumaas pa sa P1000 ang multa.

Ayon naman sa ilang traffic enforcers na nagbabantay sa EDSA, wala pang pormal na direktibang ibinaba kaya maninita na muna sila sa mga sisilong sa ilalim ng mga tulay o footbridge sa EDSA.

Una nang sinabi ng MMDA na makikipag-ugnayan sila sa ilang mga gasolinahan sa EDSA para maglagay ng mga silungan na puwedeng puwestuhan ng mga rider lalo na tuwing tag-ulan. RNT

Previous articleSapul ng COVID sa NCR bumababa
Next article2 suspek sa pagpatay sa babaeng kinarton, timbog na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here