Home ENTERTAINMENT Denise, nag-enjoy kay Gold!

Denise, nag-enjoy kay Gold!

Manila, Philippines – Ang dapat sana ay isang wild night ay mauuwi sa isang gabi na puno ng misteryo at hindi pangkaraniwang pangyayari na hindi basta-basta maibabaon sa limot.

Ito ang matutunghayan kina Gold Aceron at Denise Esteban sa pelikuang Stag.

Habang papunta sa stag party ay mawawala si Gold at titirik ang sasakyan sa isang liblib na lugar.

Isang magandang dalaga na nagngangalang Lara (Denise) ang lalapit at tutulong sa kanya. Iimbitahan siya nito na magpalipas ng oras sa kanilang mansiyon habang inaayos ng mekaniko ang sasakyan.

Magpapalipas ng gabi si Gold sa mansiyon at sa kanyang pagtulog ay mapapanaginipan niya ang kasintahan. Sa panaginip na ito ay kasama siya ng GF at ginagawa nila ang mga sensual at wildest fantasies nila sa isa’t isa.

Pero sa kanyang paggising, mabibigla na lang si Gold dahil makikita niya si Lara na kumikilos at handa nang galawin at akitin siya.

Ang hindi alam ni Gold, isa lang ito sa marami pang nakakagulat at ‘di maipaliwanag na pangyayari na mararanasan niya sa loob ng mansiyon.

Paano niya ide-describe ang love scene nila ni Gold dito sa Stag?

Tugon ni Denise, “Iyong love scene po namin sobrang chill lang talaga nito noong kinuhanan namin.”

Ipinahayag pa ni Denise na okay katrabaho si Gold.

Aniya, “Si Gold po mabait pong tao, madaling pakisamahan at magaling umarte. First time ko po siya makatrabaho, pero matagal ko na siyang kilala, friends of friends… So, madali lang po kaming magtrabaho, enjoy akong katrabaho siya.”

Sina Gold, Denise, at Arah Alonzo ang tampok sa latest sexy thriller ng Vivamax mula sa direksiyon ni Jon Red. Kasama rin sa pelikula sina Aerol Carmelo, Allan Paule, Yda Manzano, at Jaime Fabregas.

Mapapanood na ngayon ang Stag, exclusively sa Vivamax. Nonie Nicasio