MANILA, Philippines – Sugatan ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa sunog na sumiklab sa isang residential building sa Kowloon District, Hong Kong, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules, Abril 10.
Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nagtamo lamang ng minor injuries ang naturang Filipino at nabigyan na ng kaukulang tulong, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ulat, lima ang nasawi at 35 iba pa ang sugatan sa sunog sa Kowloon.
Ligtas na nailikas ang nasa 150 katao sa 16-palapag na residential building.
Samantala, anim sa mga sugatan ang nasa seryosong kondisyon at isa ang kritikal. RNT/JGC