Home NATIONWIDE DOH ‘di magdedeklara ng nationwide measles outbreak

DOH ‘di magdedeklara ng nationwide measles outbreak

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagtaas sa kaso ng tigdas sa bansa, hindi nakakakita ng dahilan ang Department of Health para magdeklara ng nationwide outbreak para rito.

Nitong Miyerkules, Abril 10, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na habang karamihan sa mga kaso ng tigdas ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), mataas naman ang vaccination rates sa iba pang bahagi ng bansa.

“I cannot declare an outbreak because mataas ang vaccination [rate] sa ibang lugar. Although may cases pa rin pero vaccination rate is 85%. May 15% ng mga bata ang susceptible,” ani Herbosa.

Sa kasalukuyan ay mayroong 2,500 kaso ng tigdas sa buong Pilipinas. Nadiskubre na pinakamarami sa mga ito ay mula sa BARMM.

Ani Herbosa, dapat nang pumasok ang DOH sa rehiyon, sa kabila ng pagkakaroon nito ng sariling Ministry of Health.

“It has to help the BARMM government because I don’t think they understand the gravity of the outbreak of measles there,” anang opisyal.

“Kasi you should be able to stop any measles outbreak in six weeks,” dagdag ni Herbosa. RNT/JGC