Home ENTERTAINMENT Dennis, nakasama ang 2 anak, emosyunal!

Dennis, nakasama ang 2 anak, emosyunal!

Manila, Philippines- “Saying goodbye was the hardest!”

Ito ang nasambit ni Dennis Padilla makaraang natapos na ang pinananabikan niyang bonding moments kasama ang kanyang dalawang anak sa Australia.

Makaraan ang apat na taon, muling nakapiling ng komedyante ang mga anak niya kay Linda Marie Gorton na sina Gavin at Maddie.

Matatandaang noong maghiwalay sina Dennis at Linda four years ago ay isinama ng huli ang mga bata sa Australia.

Emosyunal nga si Dennis sa muli nilang pagkikita ng mga anak.

Moved to tears nga raw ang komedyante nang basahin ang ginawang sulat ni Gavin who greeted him Happy Father’s Day.

Obyus na na-miss ng magkapatid ang kanilang ama.

Kung matatandaan din, nitong mga nakaraang buwan ay ni-refute ni Linda ang naunang pahayag ni Dennis na meron silang co-parenting setup.

Dennis revealed this in an interview as he promoted his latest Viva movie months ago.

Pinalagan ni Linda ang sinabing ‘yon ng dating karelasyon, citing na walang ganoong setup sa pagitan nila ni Dennis.

Sa katunayan din daw ay laging atrasado at kulang-kulang ang monetary support na ipinadadala ni Dennis para sa kanyang dalawang anak.

Inamin pa ni Linda na kinailangan niyang ilipat sina Gavin at Maddie sa public schools sa Australia para makamura dahil hindi naman daw sapat ang sustento mula kay Dennis.

Ang latest, nakatagpo na ng bagong karelasyon si Dennis pero hindi na siya nag-elaborate tungkol doon. Ronnie Carrasco III