Home ENTERTAINMENT Dennis, nakiuso, nag-crop top!

Dennis, nakiuso, nag-crop top!

120
0

Manila, Philippines – Nakiuso na nga rin si Dennis Trillo in what seems to be the “in” thing in male fashion these days.

Crop top kung crop top!

But GMA’s Drama King is not about to claim na sa kanya nagsimula ang pagsusuot nito.

Mas nauna ngang magsuot ng crop top ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Tinernuhan niya ito ng medyo baggy pants.

‘Yun nga lang, hindi na-anticipate mismo ni Carlos ang ginawang pambabash sa kanya ng maraming netizens.

Kesyo hindi raw bumagay sa kanya.

It was Dennis’ turn to wear the same, a photo of which ay ipinost niya sa kanyang Instagram Reel.

Wearing a striped blue crop top, magka-holding hands pa sila ng asawang si Jennylyn Mercado while taking a walk at Disneyland in Tokyo, Japan.

Very positive naman ang mga nakuhang comments ni Dennis even from fellow celebrities.

Tinawag pa nga siyang “Dennis TrillYULO.”

Mukha ngang naengganyo si Dennis sa kanyang OOTD to the point na namakyaw siya ng crop top!

So expect na mala-uniform niyang isusuot ang mga ‘yon sa rampahan.

Lalo tuloy lumutang ang machismo ni Dennis kung saan kita ang bahagi ng kanyang flat na tiyan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here