Home NATIONWIDE DENR ipinaliwanag pagpuputol ng puno sa Quirino Ave

DENR ipinaliwanag pagpuputol ng puno sa Quirino Ave

58
0

MANILA, Philippines – Mabigat na tungkulin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) acting Secretary ang mag-isyu ng tree cutting permit.

Inamin ito ni Environment Secretary Juan Miguel Cuna sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay hinggil sa mga pinutol na puno sa kahabaan ng Quirino Avenue.

Ayon kay Cuna, ang naturang hakbang ay para bigyang daan ang mga proyekto na magbebenipisyo ang taumbayan sa hinaharap.

Bukod dito, inihayag ng kalihim na bahagi ang proyekto ng mandato ng ahensya para sa urban development.

Nabatid na binigyan ang pribadong kumpanya ng permit ng 90 araw para mailipat at putulin ang mga puno bilang bajagi ng Southern Access Link (SALEX) project kung saan sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy ang proyekto.

Sa ngayon, nasa 245 na puno na ang naputol habang 38 puno naman ang nailipat na.

Dagdag pa nito, tututukan ng DENR ang planong pagtatanim ng 50,700 seedlings na isasagawa sa Intramuroa, Hidden Garden at Center Island na tapat ng Philpost. Jocelyn Tabangcura-Domenden (larawan ni Eric Ocapan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here