MANILA, Philippines – Libu-libong Filipino Muslim ang nagtipon sa Quezon City Memorial Circle nitong Miyerkules, Mayo 27, 2026 upang magsagawa ng sama-samang panalangin para sa Eid al-Adha o “Festival of Sacrifice.”
Ang Eid al-Adha ay paggunita sa matibay na pananampalataya at pagsunod ni Propeta Ibrahim (Abraham), na handang ialay ang kanyang anak na si Isma’il (Ishmael) bilang pagsunod sa utos ng Diyos.
Tahimik at maayos ang isinagawang pagtitipon habang sama-samang nanalangin ang mga dumalo bilang bahagi ng pagdiriwang ng isa sa pinakamahalagang okasyon sa Islam. DANNY QUERUBIN







