MANILA, Philippines – Bukod sa paglabag sa kautusan ng Palasyo, walang scientific studies ang isinagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagbibigay ng go-signal sa reklamasyon ng mahigit 600 ektaryang karagatan sa Manila Bay.
Sa pahayag, matinding binatikos ni Sen. Cynthia A. Villar sa reclamation projects na isinusulong nang walang komprehensibong pag aaral tungkol sa epekto nito sa kapaligiran.
Ayon kay Villar, chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change, na ang patuloy na pagsulong sa reklamasyon sa higit kumulang anim na raan at tatlumpu’t limang hektarya ng kalupaan sa Las Piñas and Parañaque side of Manila Bay ay lubhang nakakaalarma kaya’t muling nanindigan ang senador laban sa proyektong na magdudulot ng panganib sa kapaligiran, mangingisda, at residente.
Ang panukalang reclamation, ayon kay Villar, ay may potensyal na lubhang makaharang sa daloy ng tubig mula sa apat na mga ilog ng Parañaque, Las Piñas, Zapote, at Molino.
“This could lead to disastrous flooding, especially with the onset of sea level rise as an effect of climate change. Moreover, should the reclamation project proceed, it would also drastically affect the daily lives of coastal residents and significantly jeopardize the livelihood of fisherfolks across Las Piñas, Parañaque, and Cavite,” sabi ng Senadora.
Ang reklamasyon ay may dalang panganib lalo na sa naisabatas na protected area Las Pinas Paranaque Wetland Park, kilalang lugar para sa fish spawning, na siyang may malaking ambag sa suplay ng seafood sa Southern National Capital Region, CaMaNaVa region, at Bulacan, dagdag pa ni Villar.
Ayon kay Villar, nakinalulungkot niya na may mga patuloy pa ring nagsusulong ng reclamation sa kabila ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ng reclamation projects sa Manila Bay.
Sinabi niya na ang isyung ito ay nagpapakita ng tunay na anyo at agenda ng mga personalidad na tumatakbo para sa mga lokal na puosisyon sa Las Pinas lalo na ang kanilang posisyon sa pag aalaga ng kapaligiran.
“My stance remains that in dealing with reclamation projects, authorities must ensure that the chosen course of action is the most environmentally secure and resilient rather than just the most profitable,” muli niyang giniit.
Sinabi niya bago muling buhayin ang proyekto, ay nararapat lamang na may isinagawang konsultasyon sa publiko at bagong pag aaral na tumitingin sa pinagsama-samang epekto ng lahat ng iba pang mga reclamations na inaprubahan.
Aniya, kailangang bigyang katwiran ang pagbuhay ng proyekto ay dapat batay at susunod sa Manila Bay Sustainable Development Masterplan, na kinabibilangan ng pagpapanumbalik ng mga natural habitat; at ang patuloy na mandamus ng Korte Suprema na linisin, i rehabilitate, at pangalagaan ang Manila Bay. Ernie Reyes