MANILA, Philippines – Inatasan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang Land Transportation Office na tugisin ang may-ari ng isang SUV na pumasok sa EDSA bus carousel lane matapos makumpirma na peke ang plakang ginamit nito.
Sa pahayag, sinabi ni Escudero na kinumpirma ng LTO na walang “number 7 protocol plate na inisyu sa isang Escalade na Nakita sa insidente nang pasukin nito ang bus lane at biglang umatras matapos tangkang tiketan ng awtoridad.
“The LTO has noted that no “7” protocol plate has been issued for the type of vehicle concerned,” ayon kay Escudero.
Naunang nanghinala si Escudero sa legitimacy ng protocol plates na nakita sa viral video dahil walang ibang markings tulad ng taon o petsan na pagkakalagay na makikita sa original na plaka na ibinibigay sa isang senador.
“Napatunayan ng LTO na peke yung plaka na ginamit ng SUV sa video. Hindi dapat magtapos dito ang isyu na ito. Kailangan matukoy ng LTO kung sino ang may-ari ng sasakyan at siguraduhin na mananagot ito sa paglabag ng batas,” ayon kay Escudero.
Ibinibigay ang number “7” protocol plates eksklusibo sa sasakyan ng isang senador na walang special privilege kabilang ang pagpasok at pagdaan sa liny ana para lamang sa PUBs.
“We thank the LTO for their swift action on this incident. However, this particular incident should not go unpunished. Not only was it a violation of multiple laws and traffic rules, it also affects the sanctity of the Senate as an institution,” ayon kay Escudero.
Pinaalalahanan din ni Escudero ang kasamahan sa senado na anuman ang kanilang ikinikilos sa publiko ay repleksiyon ng institusiyon na kanilang kinakatawan na dapat nilang pagsilbihan. Ernie Reyes