CEBU- PATAY ang isang rider matapos mabangga ng pampasaherong bus kahapon, Nobyembre 4 sa national highway sa lungsod ng Liloan.
Kinilala ang biktimang Romel Arellano Montecalvo, 47, at residente ng Riverside, Barangay Canduman, Mandaue City.
Sumuko naman sa pulisya ang suspek at driver ng Ceres bus na si Violito Caday Salgarino, 39, taga Barangay Tabok 1, Mandaue City.
Batay sa report ng Liloan Police Station, bandang 4:05 PM naganap ang insidente sa kahabaan ng Barangay Cotcot, ng naturang lungsod.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa binabaybay ng dalawa ang naturang kalsada ng bigla na lamang mabangga ni Salgarino ang biktima.
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang biktima sa kanyang motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Kasalukuyan nakakulong sa lock-up facility ng Liloan Police Station ang suspek at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property. Mary Anne Sapico