MANILA, Philippines – Bigo pa rin ang Philippine Coast Guard (PCG) na mahanap ang nawawalang barko sa kabila ng pagpapaigting ng search operation nito sa karagatan sakop ng Paluan, Occidental Mindoro noong kasagsagan ng bagyong Kristine.
Ayon sa PCG, gumamit na sila ng mga mga chopper at eroplano para hanapin ang nawawalang MV Sta. Monica A sa baybayin ng Taytay, Palawan at buong Probinsya ng Occidental Mindoro.
May ginagawa na ring boat patrolling sa iba pang baybayin ng Occidental Mindoro.
Dahil dito, hiningi ng PCG ang tulong ng mga mangingisda na agad ireport sa kanila sakaling may mamataang barko sa mga lugar ng kanilang pangisdaan.
Tiniyak ng PCG na mas lalo pa nilang paiigtingin ang paghahanap gamit ang aerial, seaborne at shoreline patrolling para maghanap ang MV Sta. Monica A.
Umalis ang barko sa Caspian Taytay Palawan noong Oktubre 22, ilang oras bago ang kasagsagan ng bagyong Kristine.
Lulan nito ang sampong tripulante kasama na ang kanilang Kapitan at may kargang mga kalabaw. Jocelyn Tabangcura-Domenden