Home NATIONWIDE DENR, nanawagan ng pagtitipid sa tubig sa banta ng El Niño

DENR, nanawagan ng pagtitipid sa tubig sa banta ng El Niño

3
0

MANILA — Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig dahil sa inaasahang pagbuo ng El Niño na maaaring magdulot ng mas mahabang tagtuyot.

Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel Cuna, mahalaga ang maagap na pagkilos upang maprotektahan ang suplay ng tubig para sa inumin, serbisyong pangkalusugan, at iba pang mahahalagang pangangailangan.

“Early action now will help protect our supply for drinking, health care, and essential services,” ani Cuna.

Sa pakikipag-ugnayan sa Water Resources Management Office (WRMO) at National Water Resources Board, muling ipinatutupad ng DENR ang ilang hakbang na ginamit noong tagtuyot ng 2023–2024.

Hinikayat ng ahensya ang mga kabahayan na paikliin ang oras ng paliligo, isara ang gripo kapag hindi ginagamit, agad na kumpunihin ang mga tumutulong tubo, at muling gamitin ang greywater para sa pag-flush ng kubeta at paglilinis ng paligid kung ligtas gawin.

“Nonessential activities, including car washing, driveway hosing and private pool refilling, are discouraged unless required for health reasons,” dagdag ni Cuna.

Ayon sa DENR, maglalabas ang mga lokal na pamahalaan ng iskedyul ng water-truck deliveries at refill stations sa mga lugar na higit na nangangailangan, habang paiigtingin naman ng mga water utility ang pagkukumpuni ng mga tagas at pressure management upang mabawasan ang pagkawala ng tubig sa sistema.

Uunahing paglaanan ng malinis na tubig ang inumin, sanitasyon, at mga pasilidad medikal.

“We will focus resources where they are most needed,” sabi ni Cuna.

Nangako rin ang pamahalaan na magbigay ng lingguhang ulat tungkol sa lebel ng mga reservoir, operasyon ng sistema ng tubig, at mga relief effort. Prayoridad din sa tulong ang mga ospital, klinika, at mga komunidad na mababa ang kita.

“We are asking communities to work with us,” aniya. “Together, we can protect the water people depend on.” Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here