Home NATIONWIDE DENR pinapaliwanag si Davao City Mayor Baste Duterte sa waste dumping incident

DENR pinapaliwanag si Davao City Mayor Baste Duterte sa waste dumping incident

2
0

MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa loob ng limang araw kaugnay ng mga insidente ng pagdudump ng basura sa labas ng DENR Region XI office.

Ayon sa DENR, nagpadala si Regional Executive Director Mercedes Dumagan ng sulat noong June 15 upang hingin ang paliwanag ng alkalde matapos masabat ng kanilang personnel ang ilang indibidwal na nagtapon ng halo-halong basura sa labas ng kanilang opisina sa Lanang, Davao City.

Sinabi ng DENR na ang ilang nahuli ay tumukoy sa Facebook post ni Mayor Duterte noong June 4 kung saan binanggit umano na maaaring pansamantalang waste collection point ang lugar.

Natuklasan ng ahensya na ang mga itinapong basura ay posibleng galing sa commercial sources at hindi hiwa-hiwalay, na labag sa Ecological Solid Waste Management Act o RA 9003.

“We are clarifying how these incidents came about and reiterating the importance of proper waste handling and compliance with established procedures,” ayon kay Dumagan.

Dagdag niya, ang pagtatakda ng waste collection areas ay dapat nakabatay sa approved Solid Waste Management Plan ng lungsod at sa IRR ng RA 9003.

“Our goal is to ensure that waste collection areas are properly designated and consistent with the city’s plan,” sabi niya.

Hiwalay dito, nagsampa rin ang DENR ng reklamo laban sa may-ari ng isang Mitsubishi Xpander matapos makuhanan ng CCTV na nagbababa ng sako-sakong basura sa lugar.

Nakikipag-ugnayan din ang DENR sa Philippine National Police para matukoy ang iba pang truck at sasakyan na posibleng sangkot sa insidente.

Ayon sa DENR, bahagi ito ng mas malawak na hakbang kasunod ng pansamantalang pagsasara ng landfill matapos ang May 20 trash-slide incident na ikinasawi ng ilang tao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here