Home METRO DENR sa LGUs: Maging maagap sa pagtugon sa baha sa NCR

DENR sa LGUs: Maging maagap sa pagtugon sa baha sa NCR

291
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Huwebes, Hulyo 17 ang mga local government units (LGUs) sa National Capital Region, kabilang ang iba pang urban areas, na isama ang science-based, proactive measures sa pagtugon sa lumalalang pagbaha sa gitna ng mas malakas na pag-ulan dahil sa climate change.

Sa isang pahayag, binanggit ng DENR ang kapansin-pansing pagtaas ng dami ng ulan na nauugnay sa pagbabago ng klima, gaya ng nakasaad sa meteorological data na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“This noticeable shift in weather patterns has exacerbated the challenges faced by urban areas like Metro Manila, where heavy rainfall can overwhelm drainage systems and lead to significant flooding,” ayon sa kanilang pahayag.

“It is crucial that LGUs integrate comprehensive flood risk reduction programs into their design and solid waste management plans. By doing so, communities can better protect themselves from the adverse effects of increased rainfall.”

Sinabi ng DENR na maaaring magpatupad ang mga LGU ng ilang pangunahing estratehiya para epektibong matugunan ang lumalalang pagbaha sa Metro Manila.

Kabilang dito ang pag-upgrade sa mga drainage system, pagsasama ng mga modernong solusyon sa drainage upang makayanan ang mas matindi at madalas na pagbuhos ng ulan, pagpapahusay ng solid waste management upang maiwasan ang pagdami ng basura na humaharang sa mga daluyan ng baha, pagsali ng komunidad sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga localized na hakbangin sa pagpigil sa baha, at pagpapanumbalik ng ecosystem sa pamamagitan ng pagpapatupad ng green infrastructure upang mapabuti ang pagsipsip ng tubig.

Sinabi ng DENR na ang mahinang solid waste management ay nananatiling isa sa mga pangunahing nag-aambag sa pinsalang nauugnay sa baha sa mga urban na komunidad, dahil ang mga baradong daluyan ng tubig ay nagpapabagal sa pag-agos ng tubig-ulan.

“As we confront the challenges posed by climate change, it is essential to adapt our urban planning strategies to safeguard our communities,” saad nito.

Samantala, habang tumitindi ang epekto ng pagbabago ng klima, nagpahayag ang DENR ng pangako na makipagtulungan nang malapit sa mga LGU at publiko upang isulong ang katatagan ng baha at sustainable urban development. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here