Home METRO DENR sinita sa kawalang aksyon sa Davao de Oro landslide

DENR sinita sa kawalang aksyon sa Davao de Oro landslide

MANILA, Philippines – Binatikos ni House Deputy Majority Leader for Communications Rep. Erwin Tulfo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kawalang aksyon sa Davao de Oro landslide na kumitil sa buhay ng 98 katao.

Ayon kay Tulfo, isang buwan matapos ang malagim na trahedya ay walang nagawa ang DENR at Mines and Geosciences Bureau (MGB).

“It happened in February before Valentine’s. Now there are 98 dead in Maco, Davao De Oro, and there are still eight missing. So, the toll is going to be a hundred. The DENR didn’t do anything, there’s also nothing, you didn’t hear anything from the MGB. So that means there is a problem here,” pahayag ni Tulfo.

Ani Tulfo, kaya palagiang napupuna ang gobyerno ay dala na rin ng mabagal na aksyon.

“That’s why sometimes our government is criticized by our fellow citizens. It’s very slow, it takes too long. Now that I’m in government, I feel like everything moves in slow motion,” giit ni Tulfo.

Umaasa si Tulfo na agad kikilos si House Committee on Disaster Resilience Chairman Rep Alan Ecleopara maimbestigahan ang naging mabagal na aksyon sa trahedya kasunod ng inihain nitong House Resolution na humihiling na magsagawa ng iaang House Inquiry.

“I would question the DENR and the MGB once the committee starts its probe on the incident,” pahayag ni Tulfo.

Sa panig ni Ecleo sinabi nito na ngayong kasalukuyang Linggo ay maaaring simulan ang imbestigasyon sa naganap na landslide. Gail Mendoza

Previous articleJiro, pinagbawalang magbalik-showbiz!
Next articleEx-pulis arestado sa kidnap-for-ransom