Home ENTERTAINMENT Jiro, pinagbawalang magbalik-showbiz!

Jiro, pinagbawalang magbalik-showbiz!

Manila, Philippines – Hanggang ngayon, taglay pa rin ni Jiro Manio ang tatak bilang mahusay na aktor, at aware daw siya sa sinasabi ng mga tao na magaling siya.

Pero hindi raw ito ang compelling reason para yakapin niyang muli ang pag-aartista.

Payo na rin daw ‘yon ng kanyang doktor.

Dating volunteer staff ng isang drug rehab facility sa Bataan si Jiro.

Wala man sa dating trabaho ay patuloy pa rin daw ang medikasyon niya.

Pinaiwas daw si Jiro ng kanyang doktor na magbalik-showbiz sa ilang mga dahilan.

Bawal daw kasing magpuyat.

Posible rin daw makaapekto sa kanyang mental health ang mga papel na ibibigay sa kanya.

Bawal din daw kasing magalit.

Sa ngayon, nasa bahay lang daw si Jiro sa isang bayan sa Rizal.

Sa halip na bumalik sa showbiz ay naghahanap daw siya ng ibang pagkakakitaan.

Albeit in between jobs, mahalaga raw kay Jiro na mapangalagaan ang kanyang kundisyon lalo’t meron naman daw siyang willingness na gumaling mula sa pagkagumon noon sa mga ipinagbabawal na gamot. Ronnie Carrasco III

Previous articlePalusot ni Quiboloy sa ‘di pagdalo sa pagdinig bukas, ‘di palulusutin ng Kamara
Next articleDENR sinita sa kawalang aksyon sa Davao de Oro landslide