Home NATIONWIDE Palusot ni Quiboloy sa ‘di pagdalo sa pagdinig bukas, ‘di palulusutin ng...

Palusot ni Quiboloy sa ‘di pagdalo sa pagdinig bukas, ‘di palulusutin ng Kamara

MANILA, Philippines – Kailangang dumalo sa pagdinig bukas, Marso 12 si Pastor Apollo Quiboloy at walang “excuse” na tatanggapin ang Kamara kung mabibigo ito.

Sa regular press conference sa Kamara, sinabi ni Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez na dapat respetuhin ni Quiboloy ang subpoena na ipinadala dito.

“Pastor Quiboloy has to respect the legislative process of Congress. He was invited and asked to present himself so that he can clarify issues regarding the investigations being conducted by the Committee on Franchise,” ani Suarez.

Ani Suarez, ang mga committee ay nag-iimbita ng mga resource persons at dumadalo ang mga ito kaya wala siyang nakikitang dahilan na hindi ito magawa ni Quiboloy.

“I don’t think Pastor Quiboloy should be an excuse from the many people that have presented themselves and became resource persons for any issue that the House has taken,” giit ni Suarez.

Para naman kay 1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez sinabi nito na si Quiboloy ang may-ari ng SMNI kaya dapat lamang na interesado ito sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara lalo at kanselasyon ng kanilang legislative franchise ang pinag uusapan.

Gayundin ang posisyon ni Cagayan de Oro City 1st District Rep. Lordan Suan, aniya, may kapangyarihan ang Kamara na magpalabas ng subpoena para sa kanilang imbestigasyon at magsampa ng kasong contempt na hindi dapat balewalain ni Quiboloy.

Una nang nagbanta ang Kamara na kung hindi dadalo si Quiboloy sa pagdinig bukas, Marso 12 ay maaari itong kasuhan ng contempt at ipaaaresto. Gail Mendoza

Previous articleKotse, motorsiklo nagsalpukan, rider patay
Next articleJiro, pinagbawalang magbalik-showbiz!