Home METRO Kotse, motorsiklo nagsalpukan, rider patay

Kotse, motorsiklo nagsalpukan, rider patay

MANILA, Philippines – Isang 48-anyos na rider ang namatay makaraang makasalpukan nito ang isang kotse sa kahabaan ng Bacao Road, Kawit, Cavite

Kinilala ang biktima na si alyas ‘Richard’, na idineklarang dead on arrival sa Kalayaan Hospital dahil sa tinamong sugat sa katawan habang ang drayber ng isang Hyundai Accent Sedan na may plakang NCM 6588 ay si alyas ‘Tino,’ 83 ng Brgy. Mabolo, Bacoor City, Cavite.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa kahabaan ng Bacao Road ng nasabing bayan kung saan minamaneho ni alyas ‘Tino’ ang kanyang Hyundai Accent Sedan habang binabagtas ang nasabing lugar at kakaliwa patungo sa Kalayaan Road.

Minamaneho naman ng biktima ang kanyang motorsiklong Suzuki Smash at binabagtas din ang nasabing lugar patungo sa direksyon ng Bacoor nang pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay nagsalpukan ang dalawang sasakyan.

Dahil sa pangyayari, nagtamo ng malalang sugat ang driver ng motorsiklo kaya nang isinugod sa ospital ay hindi na ito umabot ng buhay. Margie Bautista

Previous articleIskolar sa Cotabato, itinumba
Next articlePalusot ni Quiboloy sa ‘di pagdalo sa pagdinig bukas, ‘di palulusutin ng Kamara