Home NATIONWIDE Dental bureau pinalilikha ni Tulfo sa DOH

Dental bureau pinalilikha ni Tulfo sa DOH

MANILA, Philippines – Iminungkahi sa Senado ang paglikha ng sariling tanggapan sa loob ng Department of Health (DOH) na tutugon, magtataguyod at magbibigay proteksiyon sa dental health ng mamamayang Filipino.

Sinabi ni Senador Raffy Tulfo na maraming Filipino ang nakakaranas ng sakit sa ngipin na umaabot sa 72 porsiyento ng buong populasyon ng bansa ayon sa ulat ng Philippine Dental Association.

“Bagama’t may mga polisiya ang DOH hinggil sa pangangalaga ng dental health, mas maigi pa rin kung magkakaroon ng isang departamento sa ilalim ng DOH na nakatutok lamang sa dental care ng bawata, aniya.

Gustong isulong ng mambabatas ang libreng basic dental care, kabilang ang oral check-ups, teeth cleaning, at dentures, particular s senior citizens, persons with disabilities, at minimum wage earners.

Sa nakaraang pagdinig, tumugon ang PHilhealth sa panukala ni Tulfo na magkaroon ng libreng oral check-up at teeth cleaning na magsisimula sa Disyembre para sa karagdagang health package.

“Dapat sa susunod na taon ay mayroon ng malawak na dental health service coverage para sa mga Pilipino mula sa PhilHealth,” ayon kay Tulfo kay DOH Secretary Teodoro Herbosa na sumang-ayon sa panukala sa ginanap na budget deliberation ng DOH.

Gustong isama din ng senador ang serbisyo sa paggawa ng pustiso dahil pangkaraniwang nawawala ng ngipin ng senior citizens kapag sumapit sila sa 70 years old.

Kinumpirma ni Herbosa na kasalukuyang ninirebyu ng ahensiya ang pagpapalawak ng dental health services, kabilang ang free dentures at tooth surgery na nakatakdang ipatupad sa susunod na taon. Ernie Reyes