Home HOME BANNER STORY DEPDev: Walang taas-presyo sa pangunahing bilihin ‘gang May 10

DEPDev: Walang taas-presyo sa pangunahing bilihin ‘gang May 10

93
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng pamahalaan sa publiko na mananatiling hindi magtataas ng presyo ang mga pangunahing bilihin at prime commodities hanggang Mayo 10, bilang bahagi ng hakbang na protektahan ang mga konsyumer mula sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pandaigdigang langis.

Ayon kay Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Undersecretary Joseph Capuno nitong Miyerkules, ang commitment sa price stability na ipinaabot ng Department of Trade and Industry (DTI) ay bahagi ng magkakaugnay na interbensyon sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program upang mapigilan ang pagtaas ng inflation.

“DTI reported a no price increase commitment for basic necessities and prime commodities until May 10, 2026,” pahayag ni Capuno sa pagdinig ng Senate PROTECT Committee.

Dagdag niya, pinalalakas ng pamahalaan ang monitoring sa presyo ng pagkain, gamot, at iba pang pangunahing bilihin upang maiwasan ang hindi makatarungang pagtaas sa gitna ng mga aberya sa pandaigdigang supply chain.

Bilang karagdagang hakbang upang mapababa ang pressure sa gastos, ipinatutupad din ng pamahalaan ang mga suporta tulad ng logistics assistance, toll rebates, at pagbawas sa port fees upang mapabuti ang daloy ng suplay at mapanatili ang katatagan ng presyo. Ayon pa kay Capuno, “Agencies will accelerate delivery where beneficiaries, payment channels, routes, stations, and rollout arrangements are already validated.”

Kasabay nito, pinalalawak din ang mga food security program kabilang ang PHP20-per-kilong bigas, katuwang ang price monitoring upang masiguro ang abot-kayang presyo at mas malawak na access sa pagkain.

Bahagi ang mga hakbang na ito ng mas malawak na UPLIFT program na naglalayong tugunan ang panganib ng inflation at mapanatili ang katatagan ng ekonomiya sa gitna ng patuloy na global energy disruptions. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here