Home NATIONWIDE Mukha ng riding-in-tandem suspects sa QC ambush, inilabas ng PNP

Mukha ng riding-in-tandem suspects sa QC ambush, inilabas ng PNP

103
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng pulisya nitong Miyerkules ang mga enhanced images ng mga suspek sa pamamaril sa EDSA-Timog sa Quezon City habang nagpapatuloy ang manhunt operations.

Ipinakita ni Quezon City Police District Station 10 commander Police Lt. Col. Zachary Capellan ang mga larawan ng mga suspek bago at matapos ang insidente.

“Showing the screen is the enhanced physical, facial features of both of the suspects,” sabi ni Capellan.

Naganap ang insidente bandang 3:40 p.m. noong Martes kung saan dalawang lalaking lulan ng motorsiklo ang namaril sa isang puting sasakyan na sakay ang 75-anyos na negosyante at ang 51-anyos nitong driver. Pareho silang nagtamo ng maraming tama ng bala at idineklarang patay sa isang kalapit na ospital.

Ayon sa pulisya, sa CCTV footage ay makikitang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo, kung saan ang back rider na hinihinalang gunman ay nakasuot ng helmet at casual na damit. Natagpuan kalaunan ang motorsiklong ginamit sa Scout Rallos kasama ang mga helmet, mask at iba pang gamit.

Batay sa imbestigasyon, nagpalit pa ng damit ang mga suspek at tumakas habang naglalakad sa mga kalyeng Scout Ybardolaza, Timog, Scout Torillo, at Scout Borromeo bago sumakay ng tricycle papuntang Quezon Avenue at kalaunan ay passenger jeepney.

Sa tanong kung paano nakatakas ang mga suspek, sinabi ni Capellan: “Wala po kaagad tayong makuhang witness except for the two MMDA traffic enforcers who worked at the area. Siguro other bystanders, other wala po kaming makukuha except for the MMDA traffic enforcers.”

“Sila po nagsabi na may ibang tao na sinasabi nagpunta ng South Triangle, but we rely on the statement of the two traffic enforcers.”

Ayon sa pulisya, ang motorsiklong ginamit sa krimen ay may MV file number na hindi tugma sa rehistrasyon nito, na posibleng indikasyon ng duplication o falsification. Narekober din sa crime scene ang hindi bababa sa isang dosenang ballistic evidence.

Tinitingnan din ng mga awtoridad ang posibilidad na premeditated ang krimen, dahil may indikasyon na maaaring nasa ilalim ng surveillance ang mga biktima bago ang pamamaril.

Bumuo na rin ng special investigation team at nanawagan ang PNP sa publiko na magbigay ng impormasyon, na tiniyak na mananatiling kumpidensyal ang mga tipster. Santi Cealrio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here