Home HOME BANNER STORY DepEd may pinakamalaking pondo sa panukalang 2027 national budget

DepEd may pinakamalaking pondo sa panukalang 2027 national budget

1
0

MANILA, Philippines – Ang Department of Education (DepEd) ang may pinakamalaking alokasyon sa panukalang P7.2-trilyong national budget para sa 2027, na may P976 bilyon, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Rober, “Consistent with the Constitution, the Department of Education remains the largest recipient with P976 billion, reaffirming our commitment to investing in the country’s most valuable resource, our people.”

Mas mataas ng P407 bilyon o 6% ang panukalang budget para sa 2027 kumpara sa 2026. Ayon sa DBM, halos P316 bilyon ng pagtaas ay mapupunta sa mga obligasyon ng pamahalaan, kabilang ang mas mataas na National Tax Allotment (NTA) para sa mga lokal na pamahalaan at dagdag-sahod ng mga kawani ng gobyerno.

Pangalawa sa pinakamalaking alokasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may P644 bilyon. Malalaking pondo rin ang inilaan para sa kalusugan, interior and local government, national defense, transportasyon, agrikultura, social welfare and development, at higher education.

Ang pinagsamang alokasyon para sa Commission on Higher Education (CHED) at state universities and colleges (SUCs) ay P176.5 bilyon.

Maglalaan din ang panukalang budget ng P1.32 trilyon para sa NTA ng mga LGU, P58.53 bilyon para sa Local Government Support Fund, at P115.62 bilyon para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang suportahan ang kapayapaan, sariling pamamahala, at pangmatagalang pag-unlad.

Ayon kay House Speaker Faustino Dy III, “Tatanungin natin ang mga ahensya hindi lamang kung magkano ang kanilang hinihingi, kundi kung paano ito gagamitin at kung anong konkretong bunga ang maibibigay nito sa sambayanan.”

Dagdag pa niya, “Hindi sapat na sabihin kung magkano ang ginagastos. Dapat maipakita kung ano ang nagagawa ng bawat piso.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here