Home NATIONWIDE Pagsusuri sa garbage contracts ng mga LGU, suportado ni Zamora

Pagsusuri sa garbage contracts ng mga LGU, suportado ni Zamora

2
0
Ininspeksyon nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagsasagawa ng Bayanihan sa Estero program sa Lambingan Bridge, San Juan River, sa San Juan City. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Suportado ni Metro Manila Council (MMC) president at San Juan Mayor Francis Zamora ang panawagan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na suriin ng mga lokal na opisyal ang kanilang mga kontrata sa pangongolekta ng basura upang matiyak na walang katiwalian.

Ayon kay Zamora, “For me, this is guidance from the Ombudsman, reminding us to ensure that the implementation of contracts on waste is carried out correctly.” Aniya, malaking pondo ng publiko ang ginagamit sa waste management kaya dapat itong bantayan.

Sinabi rin niyang walang kontrobersiya o anomalya sa garbage-management contracts ng San Juan City.

Dagdag ni Zamora, sa ilalim ng Local Government Code, ang pinakamataas na multa para sa pagtatapon ng basura sa ilalim ng lokal na ordinansa ay P5,000 sa mga lungsod at P2,500 sa mga munisipalidad. Naamyendahan na ng San Juan ang kanilang ordinansa upang ipataw ang P5,000 na maximum fine para sa maling pagtatapon ng basura.

Iminungkahi rin niya na maaaring repasuhin ng Kongreso ang Local Government Code at iba pang umiiral na batas upang itaas ang pinakamataas na multa, lalo na’t ang maling pagtatapon ng basura ay patuloy na bumabara sa mga ilog, estero, at drainage system.

Binigyang-diin din ni Zamora ang kahalagahan ng disiplina ng bawat residente sa tamang pagtatapon ng basura kahit walang banta ng multa, at sinabi rin niyang mahalaga ang dredging upang makatulong sa pagbawas ng pagbaha. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here