Home NATIONWIDE Senate probe vs ‘PH-China WPS understanding’ ikinasa ni Risa

Senate probe vs ‘PH-China WPS understanding’ ikinasa ni Risa

1
0

MANILA, Philippines – Ikinasa ni Senador Risa Hontiveros ang isang resolusyon upang paimbestigahan ang  “provisional understanding” sa pagitan ng  Philippine government at China hinggil sa resupply missions sa Ayungin Shoal, sa harap ng panggigipit ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na nakatakda sa Proposed Senate Resolution No. 589 ang ilang serye ng insidente tulad ng nangyari noong Hunyo 2024 kaya naputol ang isang daliri ng isang sailor, noong Marso 2026 na itinutok ang   fire-control radar sa  Philippine Navy frigate BRP Miguel Malvar, at  July 2026 attack sa Ayungin na kung saan isang Philippine Navy personnel ang binatuta ng wooden baton at kailangan dalhin sa ospital.

“Ang tanong lang naman: gumagana ba itong kasunduan? Kasi kung para ito maiwasan ang gulo at maprotektahan ang ating mga sundalo, bakit patuloy silang sinasaktan habang ginagawa lang nila ang trabaho nila? The Senate needs to see exactly what was agreed upon, and whether the Philippines is actually benefiting from it,” ani Hontiveros.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs na layunin ng Kasunduan na maiwasan ang  miscalculation sa Philippine missions patungo sa  BRP Sierra Madre, at hindi na kailangan na humngi ng permiso ng  Armed Forces of the Philippines sa China at payagan ang Chinese na sumampa sa barko ng Pilipinas.

Pero, sabi ni  Defense Secretary Gilberto Teodoro walang ganitong kasunduan.

“Hindi puwedeng sinasabi ng DFA na may kasunduan, tapos sinasabi naman ng DND na wala. These are the agencies responsible for our foreign relations and national defense. Kailangan malinaw sa kanilang dalawa — and especially to our soldiers on the ground —kung ano ba talaga ang patakaran natin,” ani Hontiveros.

“This deal is supposed to calm our waters. Instead, our soldiers keep coming home injured. Either the agreement isn’t working, or it was never designed to protect us in the first place,” dagdag ng senador.

“Hindi ko sinasabing kailangang ilantad ang impormasyong tunay na sensitibo sa national security. Pero hindi rin puwedeng gamitin ang confidentiality para itago sa taumbayan ang isang kasunduang nakakaapekto sa ating teritoryo, sa ating mga karapatan, at sa buhay ng mga ipinapadala natin doon,” giit pa ni Hontiveros.

Binanggit ng resolusyon ang garantiya sa Saligang Batas hinggil sa  full public disclosure ng transaksiyon ng gobyerno na sangkot ng pampublikong interes, partikular ang bagay na nakakaapekto sa hurisdiksiyon ng ating karagatan, soberensya at kaligtas ng  mga Filipino.

“The West Philippine Sea issue is not something we can afford to negotiate in the dark. Hindi natin kailangang palakihin ang gulo. Pero kailangan nating maging malinaw at matatag,” ani Hontiveros.

“Alamin natin kung ano ang napagkasunduan, ayusin natin ang koordinasyon ng ating mga ahensya, at tiyaking walang Pilipinong sundalo ang ipinapadala sa misyon nang hindi malinaw kung paano siya poprotektahan. Sa sarili nating karagatan, hindi tayo dapat nangangapa. The Filipino people have every right to know about what is being decided in our name, in our waters,” ayon sa senador.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here