MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes na naglunsad ito ng online survey upang suriin ang preference ng mga empleyado nito sa pagkuha ng P7,000 halaga ng medical services simula sa 2025.
Sa abiso, inihayag ng DepEd na mangangalap din ang survey, isinagawa ng Bureau of Human Resources and Organizational Development, ng baseline data sa health maintenance organization (HMO) benefits at iba pang health insurance needs.
Hinimok ng ahensya ang lahat ng teaching at non-teaching employees nito mula sa lahat ng governance levels na makiisa sa survey dito: bit.ly/HMOsSurvey
Kailangang mag-sign in ng participants gamit ang kanilang official DepEd email account upang sagutan ang form.
Noong nakaraang buwan, inanunsyo ng DepEd na makatatanggap ang public school teachers, maging iba pang government employees, ng annual medical allowance na hanggang P7,000 simula sa susunod na taon, sa ilalim ng kanilang expanded healthcare benefits. RNT/SA