Home NATIONWIDE Deployment ng 110K ACMs, official ballots sisimulan na ng Comelec

Deployment ng 110K ACMs, official ballots sisimulan na ng Comelec

Ipinapasok ng botante ang balota sa vote counting machine (VCM) sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City para sa barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Lunes. Isa ang Barangay Pasong Tamo sa Quezon City sa tatlong barangay kung saan umiiral ang pilot testing ng Automated Elections System (AES) para sa BSKE. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa Abril 4 ang deployment ng mahigit 110,000 automated counting machines (ACMs) at official ballots na gagamitin sa May 12 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nais ng poll body na masiguro na ang ACMs at mga balota ay nasa kani-kanilang lugar na isang linggo bago ang halalan.

Kailangan aniya na lahat ng makina at balota ay nadeploy sa/o bago ang Mayo 5 dahil ang final testing at sealing ay magsisimula na sa Mayo 6.

Una aniyang naipadala sa Bangsamoro, Caraga at Batanes dahil sila ang pinakamalayo. Nadeploy na rin ang mga paraphernalia at ito ay nasa regional hubs.

Pero ang mga balota ay ibibigay direkta sa ingat yaman ng lungsod o munisipyo. Ang mga makina sa election officers.

“As of today, 47,000 of 110,000 machines have been pre-lat, tested. Hopefully, it will be finished by April 20,” sabi ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden