Home TOP STORIES Tamang paggamit ng ayuda ng gobyerno susi sa pagpapatatag ng ekonomiya

Tamang paggamit ng ayuda ng gobyerno susi sa pagpapatatag ng ekonomiya

Palalakasin ang employment at livelihood opportunities ng modernong Pamilyang Filipino.Iyan ang isa sa mga legislative priorities ng Pamilya Ko Partylist.

Ayon sa mga nominees ng naturang Partylist (PK) na sina Migz Kallos (2nd) at Atty. Anel Diaz (1st), kailangan ng modernong Pamilyang Filipino na magkaroon ng livelihood na pwedeng isustain o ituluy-tuloy ang kabuhayan.

Hindi umano makasasapat ang ayuda lamang kagaya ng ginagawa o ibibigay ng gobyerno.

“Nakakatulong ang mga ayuda. Malaki tulong niyan sa ating mga kababayan, pero wag tayo umasa sa ayuda lang.

Dapat two-fold para labanan ang kahirapan. Mga industry o livelihood magandang kakambal nyan ang ayuda. Ang livelihood long term yan. It takes a while to develop ang skills “, sabi ni Atty. Diaz, na Bar topnotcher.

Samantala, sinabiĀ  ni nominee Migz Kallos na kongkretong halimbawa ng industriya na dapat suportahan ang wood works at garment industry.

“Kaya nga po sakali at mauupo ang PKP, lalaanan namin ng pondo ang pagpapalawak ng woodworks at garment sa bayan ng Taytay Rizal”, sabi ni Kallos.

Ayon naman kay Konsi Arky Manning, napakalawak ng mga problema na kinakaharap ng Taytay at malaking tulong ang ginagawa ng PKP upang makatulong, laluna sa mga modernong pamilya na kadalasang nakaharap sa ibat-ibang uri ng problema , dagdag pa ang kakulangan ng edukasyon, pangalawa ang kakulangan ng trabaho at kalusugan.

Ang Pamilya Ko Partylist ay nag-ikot sa Barangay Sta Ana, Taytay at sa bayan ng Taytay kapwa sa lalawigan ng Rizal, kasama sina Konsehal Arky Manning at PKP 2nd nominee Miguel Kallos. RNT