Home NATIONWIDE Deployment ng mga pulis sa Mendiola normal lang – MPD

Deployment ng mga pulis sa Mendiola normal lang – MPD

MANILA, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Manila Police District(MPD) na walang dapat ipag-alala ang publiko sa pagdeklara ng Philippine National Police (PNP) ng heightend alert sa buong bansa.

Ito ang kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Marso 11 sa Ninoy Aquino Inernational Airport (NAIA) kahapon.

Ayon kay MPD-PIO Chief Major Philipp Ines, kung may nakikitang deployment sa Mendiola sa Maynila ay normal lamang ito lalo na’t may istasyon ng pulis doon.

Bukod sa Mendiola, wala namang deployment na ginawa ang MPD sa iba pang lugar sa Lungsod.

Sinabi ni Ines, walang dapat ikabahala ang publiko sa kasalukuyang sitwasyon.

Samantala, nanatili namang kalmado sa harap ng Korte Suprema ngayong umaga, matapos mapag-alaman na maghahain ng petisyon for writ of habeas corpus sina Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo at kanyang anak na abogado laban sa gobyerno ng Pilipinas dahil sa pagdetine at pagsuko sa dating pangulo ng Pilipinas sa foreign institutions.

Magiging petitioner sa habeas corpus ang anak ni Duterte na si Veronica “Kitty” A. Duterte.

Sa ngayon ay inaantabayanan pa ang pagdating ng kampo ni Duterte sa SC.

Bagamat wala pang nakikitang mga pro-Duterte na nagsasagawa ng kilos protesta, may mga miymebro naman ng PNP na nakadeploy upang masiguro pa rin ang maayos na sitwasyon sa harap ng Korte Suprema. Jocelyn Tabangcura-Domenden