Manila, Philippines – To the rescue si Derek Ramsay sa kanyang Swiss friend na si Pernilla Sjoo.
Si Pernilla ang pinaghinalaang third party umano sa relasyon nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Bilang kaibigan nito, isiniwalat ni Derek ang kanyang saloobin patungkol kay Andi sa vlog interview ni Ogie Diaz.
Ani Derek, nauunawaan daw niya si Andi sa puntong ikinagalit nito ang pagpapa-tattoo nina Philmar at Pernilla.
Pero ang isapubliko ni Andi ang ilang mga bagay: “Is irresponsable of you!”
Wala naman daw hangarin o intensyon si Pernilla na saktan si Andi.
Dahil sa ginawa ni Andy, tuloy daw “the poor lady is hiding, afraid of her life.”
Dahil na rin daw ito sa pamba-bash–worse, threats–na nakukuha nito mula sa mga netizens.
Apektado raw tuloy ang mga kaanak nito sa abroad.
Dagdag pa ni Derek, pati ang nobyo ni Pernilla na isang Bisayang taga-Siargao ay apektado rin.
Mensahe ng Fil-British actor kay Andi tungkol sa ginawa nito: “You shouldn’t have done that. Pero hindi kita aawayin, babae ka.”
Samantala, agad ding nagkaayos sina Andi at Philmar–thanks to Andi’s grandparents Rosemarie Gil and Eddie Mesa who visited the couple in Siargao recently. Ronnie Carrasco III