Home ENTERTAINMENT Detalyadong kwento sa pagkakulong ni Baron, inilabas!

Detalyadong kwento sa pagkakulong ni Baron, inilabas!

Manila, Philippines- Ikinagulat ng aktor na si Baron Geisler ang kumalat na mug shot niya na diumano’y kuha sa isang police station sa Mandaue City, Cebu, nitong February 23, 2025. Inaresto at ikinulong daw pansamantala ang actor dahil sa pagwawala nang malasing.

Sa kanyang Facebook account,nagpaliwanag si Baron tungkoli sa kanyang pagkaaresto.

Inalmahan ni Baron ang mga ulat mula sa ilang news outlets na wala umanong beripikasyon.

“Irresponsible journalism” daw ang pagpapakalat ng “misinformation” tungkol sa nangyari sa kanya;

Pahayag ng actor: “Breaking my silence.

“There’s a lot of misinformation circulating, especially from news outlets that failed to verify the facts before reporting.

“Irresponsible journalism has blown things out of proportion, creating unnecessary confusion.

“I want to make it clear—I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly.

“To those who continue to stand by me, thank you. Your support means everything.

“#TruthMatters #Grateful”

Nang kumalat ang mug shot sa internet nitong nagdaang araw, ilang netizens ang nag-akalang fake news ito.

Ayon sa post ng isang netizen, flooded na umano ang kanyang Facebook feed ng shared photos ni Baron na naaresto.

Sinasabing fake news daw ito dahil may post pa raw ang aktor sa Instagram Story kasama ang misis nito.

Hanggang sa ilang news outlets na sa Cebu ang naglabas ng balita tungkol sa pag-aresto kay Baron.

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, naaresto raw si Baron dahil sa “drunkeness.”

Ilang oras daw nanatili sa Canduman Police Station ang actor na isa sa mga bida ng seryeng Incognito.

Ayon naman sa ulat ng iFM 93.9 Cebu, sinabi ni Police Col. Mercy Villaro, ang Public Information officer ng Mandaue City Police Station, kasama raw ni Baron ang kanyang in-laws na nag-iinuman sa kanilang tahanan.

Habang nag-iinuman ay bigla na lamang daw may binalibag si Baron kaya nagpatawag ng pulis ang kanyang in-laws.

Bagama’t wala raw nadamay o nasaktan sa nasabing kaguluhan, inaresto pa rin si Baron dahil sa gulo  at ilang oras ding na-detain sa Mandaue, police headquarters.

Nakalabas naman daw si Baron matapos magbayad ng penalty, na nagkakahalaga ng PHP500, dahil sa paglabag sa City Ordinance 11-2008-434 (drunkennes). Ador Saluta