Home HOME BANNER STORY Opisyal na simula ng Ramadan kasado sa March 2

Opisyal na simula ng Ramadan kasado sa March 2

MANILA, Philippines- Magsisimula ang Holy Month ng Ramadan sa Linggo, March 2, 2025, dahil walang sighting ng crescent moon noong Biyernes, February 28, ayon kay Bangsamoro Grand Mufti and Executive Director of the Bangsamoro Darul-Ifta’ (BDI), Sheikh Abdulrauf Guialani.

“In accordance with Islamic tradition, when the crescent moon is not visible, the current lunar month is completed as 30 days. Therefore, Ramadhan Fasting 2025 will officially commence on Sunday, March 2, In Shaa Allah,” pahayag ni Grand Mufti Guialani.

Mahalagang aktibidad ang moon sighting, o hilal sighting, sa Islam na tumutukoy sa pagsisimula ng bagong lunar month. Sumusunod ang Islamic calendar sa cycle ng buwan, at kapag hindi naobserbahan ang crescent, nakumpleto na ang umiiral na buwan bago magsimula ang susunod.

Sa paghahanda ng Muslim community para sa banal na buwan, hinihimok ang mga mananampalataya na magsagawa ng fasting, prayer, at reflection alinsunod sa mga katuruan ng Islam.

Nagpalabas ang Office of the Chief Minister in Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Biyernes ng memorandum na nagrerebisa sa regular working hours tuwing Ramadan sa 7:30 a.m. hanggang 3:30 p.m. sa halip na regular hours na 8 a.m. hanggang 5 p.m. RNT/SA