Home METRO 20 Chinese nat’l nalambat sa scam hub

20 Chinese nat’l nalambat sa scam hub

Alinsunod sa pagsisikap ng gobyerno na puksain ang lahat ng uri ng kriminalidad, inaresto ng National Bureau of Investigation – Special Task Force (NBI-STF), sa ilalim ng pangangasiwa ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.), ang dalawampung (20) dayuhan dahil sa paglabag sa Section 4(b)(1) (Social Engineering Schemes) ng R.A. 12010 (Anti-Financial Account Scamming Act) kaugnay ng R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012). Kabilang sa mga inaresto ay si LIU ZHI TAO, kilala rin bilang “Ren Jia,” na nahaharap sa karagdagang mga kaso para sa paglabag sa Article 267 (Serious Illegal Detention) ng Revised Penal Code (RPC). Cesar Morales

MANILA, Philippines- Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 Chinese na umano’y nagsasagawa ng scamming activities habang nasagip ang indibidwal na pinilit na magtrabaho kahit labag sa kanyang kagustuhan sa isang POGO sa Paranaque City.

Sinabi ng NBI na nakatanggap ito ng reklamo mula sa maybahay ng biktima.

Ayon sa complaint, ang kanyang mister ay nagtatrabaho bilang customer service representative para sa POGO hub sa Paranaque at ikinulong.

Noong Pebero 25, sinalakay ng NBI-Special Task Force ang opisina at iniligtas ang biktima.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Article 267 o Serious Illegal Detention ng Revised Penal Code ang mga inarestong suspek.

Samantala, sa nasabing operasyon, sinabi ng NBI na natuklasan ng mga ahente ang isang fully operational scam hub, kung saan ang mga dayuhan ay sangkot sa online scamming.

Sinabi ng NBI na dinakip ang mga indibidwal na ito dahil sa paglabag sa Anti Finacial Account Scamming Act.

Sila ay iprinisinta sa Paranaque prosecutors para sa inquest sa paglabag sa Social Engineering Schemes ng Anti-Financial Account Scamming Act na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012. Jocelyn Tabangcura-Domenden