MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes, ang mga kapatid na Muslim “to reflect deeply,” bilang pakiisa sa paggunita ng Holy Month of Ramadan.
“This sacred season marks the revelation of the Qur’an to Prophet Muhammad (Peace Be Upon Him), a period for personal reflection, spiritual growth, and a renewed commitment to faith for our beloved Muslim brothers and sisters,” ang mensahe ng Pangulo, hangad niya sa mga kapatid na Muslim ang isang “meaningful and solemn” na Ramadan.
“It is a time that calls us to reflect deeply on our purpose, to extend kindness to those in need, and to uplift those around us,” dagdag niya.
Umaasa naman ang Chief Executive na ang pagsisimula ng Ramadan ay gabay sa lahat tungo sa kolektibong pag-unlad “to reach the light of hope that shines brightly for all.”
“Together, let us find strength in the importance of humility and dedication to living with the values of faith,” ang winika pa rin ng Pangulo.
Kumpiyansa si Marcos na ang ‘holiest month’ ng Islam, sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa disiplina at pasasalamat, ay magsisilbi bilang isang “powerful and profound catalyst for social transformation.”
“With fasting, prayer, and acts of charity, it fosters solidarity that cultivates a sense of belonging,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Ang Ramadan ay isang kaganapang panrelihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung kailan naihayag ang Qur’an.
Ito ang panahon ng pag-aayuno, pagdarasal, at pagninilay ng pamayanan.
Isang paggunita ng unang paghayag ni Muhammad, itinuturing bilang isa sa mga Limang Haligi ng Islam ang taunang pagtalima sa Ramadan at tumatagal ng 29 hanggang 30 araw, mula isang pagkakita ng crescent moon hanggang sa susunod na pagkakita nito. Kris Jose