Home NATIONWIDE Detour bridge sa Ilocos Sur gumuho

Detour bridge sa Ilocos Sur gumuho

91
0
Courtesy: DPWH

MANILA, Philippines – Nagpadala na ng team ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para suriin ang gumuhong Kaliwet Bailey detour bridge sa Barangay Nalasin, Santo Domingo, Ilocos Sur.

Ang tulay ay gumuho nitong Sabado, Mayo 2, nang tumawid ang 20-ton, 10-wheeler truck na lampas sa 5-ton load limit nito.

Sa pahayag, nasa lugar na ang team ng DPWH para mangasiwa ng trapiko sa temporary 20-ton-capacity bridge, na nagsisilbing detour habang isinasaayos ang permanenteng tulay.

Pananagutin naman ng DPWH ang operator ng trak, batay na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here