Home NATIONWIDE DFA: 4 Pinoy napauwi sa Pinas galing Lebanon

DFA: 4 Pinoy napauwi sa Pinas galing Lebanon

MANILA, Philippines- Napauwi na ang isang Pilipina at tatlo niyang anak mula Lebanon nitong buwan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Umalis ang repatriates sa Lebanon noong Hunyo 1 at dumating sa Pilipinas noong Hunyo 2, ayon sa Philippine Embassy sa Lebanon nitong Huwebes.

Ang ina ay isang overseas Filipino worker na dumating sa Lebanon noong 2010, base sa embahada.

Nakapangasawa siya ng isang Lebanese noong 2012. Subalit, noong pandemya, nakaranas umano ang ina ng pisikal na pang-aabuso sa kamay ng kanyang asawa at pinagbantaang papatayin nang mawalan ito ng trabaho.

Doon na siya humingi ng tulong sa embahada para mapauwi sa Pilipinas.

Pinangasiwaan ng Assistance-to-Nationals (ATN) Section ng Philippine Embassy, Migrant Workers Office (MWO), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagpapauwi sa ina at kanyang mga anak.

Mula 2023 nang itaas ng Philippine government ang Alert Level 3 (voluntary repatriation) sa Lebanon, 273 distressed Filipinos na ang napauwi sa Pilipinas, batay sa embahada.

“The Embassy continues to monitor the situation across Lebanon and provides updated safety measures and advisories to Filipino nationals,” anito.

“The voluntary repatriation program remains open to Filipino nationals who wish to return to the Philippines,” patuloy ng embahada. RNT/SA