Home NATIONWIDE DFA bukas sa mas marami pang usapan sa EU sa free trade...

DFA bukas sa mas marami pang usapan sa EU sa free trade agreement

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Marso 21 na bukas ito sa mas marami pang usapan at pakikipagtulungan sa European Union kasunod ng pagbabalik ng usapin kasama ang Pilipinas para sa free trade agreement (FTA).

“The DFA appreciates the continued engagement of the European Commission on the formal talks for the FTA, following the successful conclusion of the stock-taking exercises conducted by working level experts from both PH and EU last September to December 2023,” saad sa pahayag ng DFA.

“We look forward to further coordination and dialogue with the EU in pursuit of a comprehensive, balanced and modern FTA,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Brussels na ang unang round ng usapan ay dapat na magsimula “later this year,” sabay-sabing ang tama ang mga kondisyon para iangat ang lebel ng trade relations ng mga bansa.

Ang EU ang fourth-largest trading partner ng Pilipinas at isa sa pinakamalaking investors sa bansa.

Samantala, nais din ng EU na palakasin ang trade ties nito sa mas marami pang mga bansa.

Matatandaan na nagsimula noong 2013 ang exploratory FTA talks sa pagitan ng Pilipinas at EU, habang ang paglulunsad ng negosasyon ay inanunsyo naman Disyembre 2015.

Ang unang FTA negotiations ay ginanap sa Brussels, Belgium noong 2016 na sinundan ng ikalawang round nito sa Cebu noong 2017. RNT/JGC

Previous articleDA nanawagan, Kadiwa ng Pangulo stores na binuksan suportahan
Next articleMedical cannabis magiging abot-kaya sa mga may karamdaman ‘pag naisalegal – eksperto