Home NATIONWIDE DA nanawagan, Kadiwa ng Pangulo stores na binuksan suportahan

DA nanawagan, Kadiwa ng Pangulo stores na binuksan suportahan

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes, Marso 21 ang publiko na suportahan ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) stores na bubuksan sa ilang lugar sa Metro Manila hanggang susunod na linggo.

Ayon sa DA, ang KNP ay bukas sa iba’t ibang lugar mula Marso 18 hanggang 27.

Sinabi pa ng ahensya na ang inisyatibo ng pamahalaan na KNP ay nagbibigay ng “lifeline” sa pagbibigay ng rent-free selling areas sa mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Kamakailan ay pinangunahan ng DA ang pagbibenta ng mahigit 160 tonelada ng mga gulay sa pamamagitan ng Kadiwa Veggie Connect at iba pang market linkage programs.

Nakipagtulungan ang Cordillera Association of Regional Executives sa DA para sa Kadiwa Veggie Connect upang tumulong sa ahensya na imonitor ang suplay at dami ng mga gulay na hindi pa nabibenta. RNT/JGC

Previous articleNAIA naghahanda na sa mahigit 1 milyong pasahero sa Semana Santa
Next articleDFA bukas sa mas marami pang usapan sa EU sa free trade agreement