MANILA, Philippines – Iginiit ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado na ang pagtatambak ng durog na corals malapit sa Escoda (Sabina) Shoal ay maaaring paghahanda para sa aktibidad ng China na magtayo ng istraktura sa lugar, na mas malapit sa Palawan kumpara sa pinagtatalunang Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Inihayag ito ni Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson para sa West Philippine Sea, kasabay ng pag-ulat niya sa umano’y kumpulan ng mahigit 30 Chinese militia vessels, bukod pa sa research ships, Navy vessels at helicopter ng China, na namataansa prolonged deployment ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.
Sinabi ni Tarriela na base sa resulta ng pagsasaliksik ng University of the Philippines (UP) marine biologists sa pagngunguna ni Dr. Jonathan Anticamara, naobserbahan na ang sandbars sa Sandy Cay ay “more prominent.”
Subalit, sa Escoda Shoal, sinabi ni Tarriela, “Dito kumbaga nagsisimula pa lang. So kung sasabihin natin na itong pagdu-dump ng coral na ginawa nila sa Sandy Cay has allowed them (China) to expand itong land area, surface area na ito as artificial island, then most likely kung hindi natin imo-monitor ito, at hindi natin babantayan ito, baka sa mga susunod na buwan, magulat na lang din na sa Sabina Shoal, ay malalaki na rin ang mga isla na ginawa nila.”
Para sa island-building activities nito, inihayag ni Tarriela na gumagamit umano ang China ng corals bilang “pantambak (landfill).”
“That means they have to kill all the corals, as many corals as possible, for them to use that as a foundation for their island-reclamation,” giit ng PCG spokesman
Kasalukyang nasa ika-27 araw na ng deployment ang BRP Teresa Magbanua, ang pinakamalaking vessel sa PCG fleet, sa Escoda Shoal, halos 75 nautical miles lamang o halos 139 kms. mula sa Palawan island.
Katulad ng Ayungin Shoal, ang Escoda Shoal ay saklaw ng 200-nautical mile (370.4 kms.) Philippine exclusive economic zone (EEZ), bahaging hagip ng inaangkig teritoryo ng Beijing sa South China Sea. RNT/SA