Home ENTERTAINMENT Oil spill sa Pola, gagawan ng pelikula ni Mayor Ina!

Oil spill sa Pola, gagawan ng pelikula ni Mayor Ina!

Manila, Philippines- Super proud ang actress turned politician na si Pola, Mindoro Mayor Ina Alegre dahil tinuturing na shooting hub ng mga movie producers and directors ang kanilang lugar.

Ang latest nga ay ang Coco Martin starrer na Pula, where direk Brilllante Mendoza shot the entire movie in Pola.

FYI, Pola boast of its old houses and old roads na na-preserve ng kanilang local government.

At isa nga sa mga naging main topics sa tete-a-tete with mayor Ina ay ang number 1 movie ngayon sa Netflix, ang Pula.

“Sila ang lumapit sa amin sa LGU para mag-shoot. ‘Yung grupo nina direk Dante.

“Mabilis ang naging process, and bigla na lang after a week, ayun, nag-shoot na.

“Lahat naman ng nga nagsu-shoot sa Pola, walang charge. Ang charge lang, ‘yung mga gumamit ng kuryente.

“‘Yung movie na Pula, intended talaga ‘yun for Pola kasi small town, maliit na bayan and yung mga nangyayari dun, alam lahat ng tao. And ganu’n ang gustong palabasin sa pelikulang Pula,” sabi pa ni Ina where she also play the role of a police woman na kasamahan ni Coco.

Ang movie title na Pula ay hango sa pangalan ng isang barangay sa Pola, ang Pula.

Year 2021 pa nag-shoot ang grupo nina Brillante sa Pola, “pero naging madali para sa amin kasi lahat ng kelangan nila, dumating, mga artista, mga permits na manggagaling sa national, na-secure lahat nila. And that time, sa Pola ang may pinaka-kaunting case ng Covid,” sabi ni Mayor.

Hindi na rin mabilang ang mga nagawang pelikula si Ina kay Direk Brillante. And soon, baka gumawa rin ng pelikula si Ina about sa oil spill na nangyari sa Pola.

“Kapag ginawa ko ang story ng oil spill, ako na ang bida.

“Inaayos pa at may kaso kaya if ever, baka yung forst part pa lang ang tatalakayin.”

Siguradong marami ang maku-curious at manonood sa movie na yun kung sakali.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit talk of the town ang Pola ay dahil sa basketball team nito kung saan kasama si Gerald Anderson.

“Si Gerald kasama sa Team Pola Pilipinas and magaling siya maglaro. Hindi siya mahirap kausap,” pagmamalaki ni Mayor.

Sinabi rin niya na sunod-sunod ang panalo ng kanilang team ngayon.

Sa June 24 ay firsta sa Pola at inaabangan na ang mga artistang inimbitahan ni Mayor Ina para makisaya sa taunang celebration. JP Ignacio