Home HOME BANNER STORY DFA sa mga Pinoy: Paglalakbay sa Israel ipagpaliban muna

DFA sa mga Pinoy: Paglalakbay sa Israel ipagpaliban muna

MANILA, Philippines- Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes ang mga Pilipino na ipagpaliban muna ang “non-essential travel” sa Israel, kabilang ang pilgrimage sa Israel.

Sa abiso, sinabi ng DFA na hindi muna dapat maglakbay ang mga Pilipino sa bansa hangga’t hindi pa maayos ang security situation sa Israel.

“Non-essential travels include pilgrimages and other tours to Israel. Traveling to Israel to render volunteer work is also highly discouraged because of the continuing risks,” anito.

Kasunod ang paalala ng “schemes” ng ilang indibidwal, organisasyon, kompanya, o tour companies na nag-oorganisa ng paglalakbay o pilgrimage sa Israel sa kabila ng sitwasyon doon, kung saan hinihikayat ang volunteers na magtrabaho sa mga farm o mga ospital.

“The Philippine Bureau of Immigration has been alerted about these schemes. Therefore, any persons who attempt to travel to Israel under these arrangements run the risk of getting offloaded from their flights,” giit ng ahensya.

Dagdag ng DFA, hindi pananagutan ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang kaligtasan ng mga naglalakbay bilang turista o volunteers sa panahong ito.

“The Embassy urges all Filipino citizens to prioritize their safety and security and to heed this advisory until further notice,” wika ng DFA. RNT/SA