Home NATIONWIDE Halos 200K ektayang panananim nagbabadyang masalanta kay TD ‘Aghon’

Halos 200K ektayang panananim nagbabadyang masalanta kay TD ‘Aghon’

MANILA, Philippines- Halos 200,000 ektarya ng mga pananim ang maaaring maapektuhan ni tropical depression (TD) “Aghon”, base sa Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes.

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magdudulot si Aghon ng pag-ulan sa Eastern Visayas at sa silangang bahagi ng Southern Luzon mula Sabado hanggang Linggo, Mayo 25 hanggang 26. Dagdag nito, ilang parte ng Central Visayas ang maaari ring makaranas ng pag-ulan at malakas na hangin dahil sa tropical depression.

Inihayag ng DA na inaasahang tatama ang tropical depression sa Region II, Region V, Region VIII, at Region XIII.

Batay sa datos ng agriculture department, ang mga nasabing rehiyon ay may kabuuang 199,268 ektarya ng standing crops.

Pinayuhan ng DA ang mga magsasaka at mangingisda na anihin na ang mature crops at gamitin ang post-harvest facilities.

Gayundin, nagpaalala ang DA na ilipat ang mga alagang hayop, farm machinery, at iba pang kagamitan sa ligtas na lugar.

Nag-abiso rin ito na kailangang linisin ang drainage systems sa irrigation areas upang maiwasan ang pagbaha. RNT/SA