Home METRO Landslide nakaamba sa 1,128 barangay sa Bicol sa banta ni ‘Aghon’

Landslide nakaamba sa 1,128 barangay sa Bicol sa banta ni ‘Aghon’

LEGAZPI CITY- Sa gitna ng paghahanda ng Bicol para sa malakas na ulang nagbabadyang idulot ni Tropical Depression (TD) Aghon, tinukoy ng mga opisyal ang 1,128 barangay mula sa 52 lungsod at munisipalidad na nasa ilalim ng “moderate” hanggang “very high” na banta ng landslides.

Nakipagpulong online ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Provincial DRRM offices at Naga City DRRMO upang talakayin ang mga plano sa pagtugon kay Aghon.

Sinabi ni Gremil Alexis Naz, Office of Civil Defense Bicol spokesperson, gagamitin umano ng local government units sa pagpaplano ng paglikas ang listahan ng mga barangay na inaasahang maaapektuhan ng landslide.

Base sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), lalakas ang TD Aghon sa tropical storm ngayong Sabado. RNT/SA