Home NATIONWIDE Piso humina sa P58.19:$1

Piso humina sa P58.19:$1

MANILA, Philippines- Pumalo ang Philippine peso sa 58-per-dollar level.

Bumaba ang local currency ng anim na sentimos na nagdala sa P58.19:$1 nitong Biyernes mula P58.13:$1 noong Huwebes.

Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort na ang paglakas ng dolyar ay “mostly to stronger-than-expected US economic data lately, such as manufacturing, services, and jobless claims.”

Ani Ricafort, ang mas malakas na US economic data “could reduce the odds or delay possible Fed and local policy rate cuts.”

Matatandaang inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nakahanay ang paghina ng piso sa performance ng iba pang currencies sa rehiyon, subalit patuloy umano itong mino-monitor. RNT/SA