Home NATIONWIDE DFA sa mga Pinoy sa Kenya: Mag-ingat sa Mpox

DFA sa mga Pinoy sa Kenya: Mag-ingat sa Mpox

MANILA, Philippines- Pinayuhan ang mga Pilipino sa Kenya na mag-ingat sa gitna ng pagkalat ng monkeypox (Mpox) outbreak sa mas maraming bansa sa Africa.

Sa abiso nitong Biyernes, hinimok ng Philippine Embassy sa Nairobi ang Filipino community na maging updated at sumunod sa preventive guidelines.

“Avoid physical contact with individuals displaying symptoms or touching their personal belongings, and practice diligent handwashing with soap and clean water. Let us adhere to the prescribed public health advisories and response measures to prevent local and international spread of the disease,” anito.

Sinabi ng DFA na hindi bababa sa 119 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Kenya sa kasalukuyan.

Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Mpox bilang Public Health Emergency of International Concern noong Aug. 14 sa gitna ng paglitaw ng bagong virus strain sa Democratic Republic of the Congo at mabilis nitong pagkalat, kasama ang mga karatig-bansa.

Batay sa WHO, maaaring maapektuhan ng Mpox ang sinuman at kumalat sa pamamagitan ng direct contact sa infected individuals, mga hayop, kontaminadong bagay o respiratory droplets. RNT/SA